|
Masakit...mapait...nanghihinayang. Ganyang naramdaman ko nung namatay tatay ko, yung nanay ko, at nung lolo ko. Sobrang sakit na parang feeling mo, katapusan na ng mundo. yung parang hindi na yata matatanggal ang kutsilyo na nakatarak sa puso mo. Ganun. The same feeling is what I feel right now. Sobrang sakit na hindi ko maexplain. Siguro itong luha ko nalang magpapaliwanag...na kahit anong gawin ko , di matigil sa pagtulo.
Mamamatay ako ngayong araw na ito. Pero bukas, isang bagong tao nako. Iibahin ko ang mga perspectives ko sa buhay. Tama na. Ayaw ko na and I mean it. Sabi ng lola ko kanina, kaunti nalang ang natitirang taon nya sa mundo...hahayaan ko daw ba na nakikita akong nasasaktan ng ganito sa mga natitirang araw o taon na yun.
Nakapag-isip ako at nakapagdesisyon na ititigil na ang kabaliwang ito. "Tama na Vina. Oo at mahal mo sya pero wala nang dahilan pa na umasa ka.dahil alam mo a sa huli, masasaktan ka lang. You already knew how it will end the very moment it started. Now, face the consequences. " - Yan nalang lagi ko sinasabi sa sarili ko..
MASAKIT.... SOBRANG SAKIT.... yung kahit yata maubos luha ko, di pa din natatanggal. Mahal ko sya...pero kailangan ko ng isuko lahat. |
| Leave a Comment: |