|
Nung birthday ko (October 23), we went to Alabang-Cavite-Tagaytay. Yun na yung last na road trip namin....nakakamiss nga. Naalala ko pa conversation namin nung nasa Tagaytay kami. Tinitigan ko sya. Iniisip ko kung ano na kaya mangyayari sa mga susunod na araw. Paalis ako at ganito pa din kami. Ayaw kong alisin ang pagkakatingin ko sa kanya dahil alam ko na kung ano ang mangyayari. Maghihiwalay kami dahil ito ang dapat. Kasi kailangan namin ilagay at iayos sa tama ang lahat. Nung nakita nya na nakatitig ako sa kanya.... Kaka: Oh, bakit? Nini: Wala lang, gusto ko lang titigan ka para mamemorize ko mukha mo kahit san man ako makarating. Kaka: Hmm,..para naman di ka na babalik eh.. Kala ko ba uuwi ka every month? Nini: Babalik ako, sigurado yon, hindi ko lang sigurado kung kailan Dale. Kaka: Hmm,,.. (siryoso ang tingin habang nagdadrive) Nini: Dale, wag ka mag-aalala pa sakin ha. Pagdating ko ng Singapore, I'll be better. Kaka: Promise? Nini: Promise po. At para naman akong bata na nagpromise sa kanya. Para naman syang isang magulang na nakarinig ng magandang balita mula sa anak at kiniss pako. That time, alam ko na pakakawalan ko sya nang maluwag sa loob ko. Hindi ko alam pero nung oras na yun, napaiyak ako at sadyang tinaggap ko nalang ang lahat. Siguro talagang hindi na pwede at hindi na kailangan pang ipilit. Naramdaman ako ang lubos na pagmamahal sa kanya pero kailangan ko ding tanggapin na lahat ng bagay ay nagtatapos. Kailangan ko nalang talaga siyang pakawalan. Dale, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Sana sa kahit kaunting panahon ay naramdaman mo na mahal na mahal na mahal kita. Hindi kita makakalimutan at patuloy kang mamahalin nitong puso ko. Marahil ay pwede naman kitang mahalin nang ako lang ang nakakaalam ...kahit alam ko na alam ng buong mundo na ikaw lang ang tinitibok ng puso ko. I'll be better kahit san ako makarating. Gagawin ko yun tulad ng ipinangako ko sayo. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mo para sakin. Salamat sa pagmamahal.
_Nini_ |
| Leave a Comment: |