|
I'm sorry.....I did not mean to hurt anyone...hindi ko naman mapipili kung sino mamahalin nitong puso ko. Basta ko nalang naramdaman yun at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mahalin sya ng tuluyan" Kung pwede ko lang siyang kausapin, hihingi ako ng patawad. Patawad kasi alam ko na nasasaktan ko siya kahit hindi niya nalalaman. I don't even know if she knows that I exist. It was never my intention na makasakit...na hindi ko sinasadya na masaktan ko siya. Ang lahat ng ito ay hindi ko naman ginusto pero nangyari nalang bigla. Sabi ko nga, for once, I allowed myself na maging masaya. Wala akong lakas na pigilan ang nararamdaman ko. Hihingin ko din ang pang-unawa niya na nagmahal lang ako. Patawad na minahal ko ang taong minamahal niya. Alam ko mula simula, mali na ang mahalin ko sya pero walang mkakapagsabi sakin ni isang tao na mali ang magmahal. Totoo nga yung sabi dun sa isang message na nabasa ko. "Always put yourself in others' shoes. If you feel that it hurts you, it probably hurts the person too..." Kung nasasaktan ako ngayon, alam ko na mas masasaktan sya kapag nlaman nya ang lahat. Siguro nga kailangan ko nang bumitiw. Pero paano? Gayong ang sinasabi ng puso at isipan ko..."Wag kang bibitiw sa pagmamahal mo sa kanya dahil alam mo na sa kanya ka lang tunay na liligaya." Hmmm..........., Patawad sayo at sana maunawaan mo na nagmahal lang ako. Hindi ko ninais kailanman na manggulo. Patawad. HIndi ko lang makayang isipin na mawawala sya sa buhay ko. Hindi pa naman kayo kasal. Kaya aasa pa ako...umaasa pa din itong puso ko....kahit tumatanggi na minsan ang isip ko...nananaig pa din yung sigaw ng puso. Hayaan mo. Kapag ikinasal na kayo...(ang malas ko naman)...mawawala ako na parang bula. By then siguro marerealize ko na din na talagang hindi na pwede na maging kami. Hahayaan ko na kayo at hindi na muling magpapakita pa. Unawain mo sana na isa lang akong tao na nagmahal ng totoo. I'm afraid..... I am afraid of losing him..." |
| Leave a Comment: |