Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres - 1 Corinthians Chapter 13
Mahal kita at hindi na magbabago pa yon. Patuloy kitang mamahalin sa sarili kong paraan. Sa pagkakataong ito, hahayaan ko na ang tadhana na magdesisyon sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan. Tandaan mo sana na lagi lang akong nandito na patuloy na nagmamahal sayo. Mahal na Mahal kita Francis. Ikaw lang ang Dale ko at wala ng iba pa. Itatago ko sa kaibuturan ng puso ko ang lahat ng alaala at patuloy na babalik balikan hanggang sa wakas. Alam ng Diyos na isa ka sa mga dahilan kung bakit ako patuloy na humahawak at tumutuloy sa buhay. Nung minahal kita, akala ko magiging mas masaya ka sa piling ko. Gayong wala naman akong ibang ninais kung hindi ang maging masaya ka. Hanggang ngayon, yun lang ang gusto ko..ang maging tunay ka na maligaya.
Ang mga nakaraang buwan at taon ang mga pinakamasayang araw sa buhay ko. May mga pagkakataon na umiyak ako at nasaktan pero alam mo bang tinanggap ko lahat ng yon dahil sobra kitang mahal. Ni hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo, bagkus ay niyakap ko pa lalo ang kung ano man sayo dahil tunay kitang minamahal. Siguro ay mali lang ang ways ko na maipakita pero maniwala ka sana na minahal kita sa paraang nalalaman ko.
I wish you well. I hope you'll be happy. I love you and I hope, even in my own little ways, I have shown you how much.
Vina
Posted at 04:07 pm by
nini_ni_dale