that which doesn't kill you will only make you STRONGER....



Saturday, March 14, 2009
Thoughts of HIM =(

Jolo, Julia and Jay would always make fun of me when we were together. Kapag wala nanaman ako sa sarili ko at nakatingin sa malayo. Nakakatuwa ang mga bata na sa murang isip nila, they'll come up of funny stuffs para lang mapatawa ako kapag umiiyak ako:

Jolo: What is Ate Vina's favorite mall?

Julia: Robinson's Mall..because Kuya Francis lives there.

Jolo: Mali.

Jay: Megamall. Eh she's always there eh. Kapag tinanong mo kung nasan, "Nasa Megamall"..hehehe

Jolo: Mali pa din.

Everybody will be curious. Eh kung tutuusin, yung dalawang yun lang naman talaga pwede pagpilian kasi nga lagi ako dun. then Jolo would reveal:

ST. FRANCIS SQUARE!!!!....... and we'll just laugh about it.

After which, babanat naman tong si Jules,

Jules: What's Ate Vina's favorite church?

Di lang ako nagsasalita. Kasi alam ko na sasabihin nya. "St. Francis Church". Funny! Pero everytime ginagawa nila to, natatawa ako. Kasi parang kilalang kilala nila si Dale ko. Si Jules na naging kakulitan lang ni kaka sa phone...hehe.

Di naman papatalo si Jay:

Jay: Ako naman! Do you know who is the favorite saint of Ate Vina?

Everybody is quiet. We don't wanna spoil the moment of Jay. Kaya kahit alam naman namin lahat. We can guess ofcourse. Sa dating palang naman ng usapan:

St. Francis of Assisi!!!

Tawanan lang kaming lahat para di magtampo ang pinakabunso. Kasi they can associate him sa lahat ng ginagawa ko. Kapag maliligo ako...sasabihin nila agad: "You will go to Francis's place noh?".... or "Are you gonna go out on a date with Kuya Francis?" or "Francis will not be happy to see you on that sexy clothes you're wearing".

Hmm, nakakatuwa din palang alalahanin. Na even yung mga nephews and niece ko, alam ang lahat samin ni Francis. Lola would always tell them to just stop joking about him so I can totally not "think" of him. As if totoo. Eh kahit si lola naman, she always asks me kapag kaming dalawa nalang kung kumusta na daw ba si Dale ko...What a question!..and it'll start the tears.....

 

 

 


Posted at 06:01 pm by nini_ni_dale
Make a comment  

Tuesday, February 24, 2009
Caluguran Daca Caca

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres - 1 Corinthians Chapter 13

Mahal kita at hindi na magbabago pa yon. Patuloy kitang mamahalin sa sarili kong paraan. Sa pagkakataong ito, hahayaan ko na ang tadhana na magdesisyon sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan. Tandaan mo sana na lagi lang akong nandito na patuloy na nagmamahal sayo. Mahal na Mahal kita Francis. Ikaw lang ang Dale ko at wala ng iba pa. Itatago ko sa kaibuturan ng puso ko ang lahat ng alaala at patuloy na babalik balikan hanggang sa wakas. Alam ng Diyos na isa ka sa mga dahilan kung bakit ako patuloy na humahawak at tumutuloy sa buhay. Nung minahal kita, akala ko magiging mas masaya ka sa piling ko. Gayong wala naman akong ibang ninais kung hindi ang maging masaya ka. Hanggang ngayon, yun lang ang gusto ko..ang maging tunay ka na maligaya.

Ang mga nakaraang buwan at taon ang mga pinakamasayang araw sa buhay ko. May mga pagkakataon na umiyak ako at nasaktan   pero alam mo bang tinanggap ko lahat ng yon dahil sobra kitang mahal. Ni hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo, bagkus ay niyakap ko pa lalo ang kung ano man sayo dahil tunay kitang minamahal. Siguro ay mali lang ang ways ko na maipakita pero maniwala ka sana na minahal kita sa paraang nalalaman ko.

I wish you well. I hope you'll be happy. I love you and I hope, even in my own little ways, I have shown you how much.

Vina

 

 

 

 


Posted at 04:07 pm by nini_ni_dale
Make a comment  

Wednesday, February 04, 2009
A few notes of loving and losing..of letting go!

Always remember that when we lose someone we love, there will be pain in our hearts. But when there is pain, there will be strength and courage, and with that, there will always be the hope of finding someone who will love us and someone we can love even more..

Letting go of someone you love is hard, but holding on to someone who doesn't even feel the same is much harder. Remember that giving up doesn't mean you are weak. It only means that you are strong eonugh to let go of something that was never really yours in the first place.

Live not on what your heart dictates but on what is right and sensible. There is still time to turn away from what is wrong. Remember, the true joy of living is not only in loving ourselves but in loving w/o hurting other people.

 


Posted at 04:55 pm by nini_ni_dale
Make a comment  

Saturday, January 10, 2009
Love and Death

Love and Death are two uninvited guests. Nobody knows when they will arrive. But both do the same work: One takes the "HEART" and the other takes it's "BEAT" ...Sad


Posted at 01:47 pm by nini_ni_dale
Make a comment  

Glimmer of Hope

I am the type of person who thinks a lot, as other people would say, probably more than I really should but that’s just me. I always wanted to leave the “thinking” thing to rest but it just keeps getting into me. While the situation now, especially, gives me uninterrupted time to think, I decided to drop the words and phrases that will undoubtedly and truthfully convey all what I would have to say.

It's not an epiphany per se, but more like big obscure revelation that keeps reoccurring. As to an unsolved puzzle, I see myself picking each piece one by one, as it happens, trying to figure out how to make it whole again. I find myself digging deep to find the true reasons behind it all and how it will look like after the season has passed. Each time, like magic dust dissipating no sooner than it reaches the air and all that’s left are the remnants of my past encounters, I see tomorrow without you in it and all I have are the memories and wishful thinking of still having you as a part of it.

Today, I’ve decided to leave the memories sealed so I can always go back to those times. When barely, I can say to myself that I’m ready to have those all back as good as treasured gems for me to keep for lifetime. I will have all the memoirs of the past guide me on the days to come. The rekindling of each morning gives me new hopes and allows me to look forward for better days as if I’m being rejuvenated and has received restoration to have the grin to face each day.

Hopefully, my heart can finally (even a bit) be happier and at peace, and so as with you. I still have a little glimmer of hope thinking and realizing that maybe (oh! My never ending ‘MAYBE’), there’s a higher meaning for all these. Perhaps things are just working as planned! I will love and appreciate each morning far better compared before. I will rise and face each morning with a smile and will always look forward of starting afresh, knowing that I have a lot of things to smile about. I will try to accept changes and think that perhaps things are moving in the right direction. It’s good sometimes you’ve just got to hang in there and have faith that things will work out the way they are meant to. Remember that if you want me in your life, I'm always here but I'm not letting the situation drag me down anymore.I've got too much going for me and I can’t be thankful enough for all the blessing that has been bestowed upon me. I hope that it’s radiating by now because in full honestly, I have no idea what‘s going on within me but I feel as though a lot is changing for the better and I’m letting things have their way. I’m letting go.


Posted at 01:03 am by nini_ni_dale
Make a comment  

Friday, January 09, 2009
Sana

Para sa Dale ko...

Langit na muli
Sa sandaling makita ang kislap ng iyong ngiti
May pag-asa kaya
Kung aking sasabihin ng laman ng damdamin
Pinipilit mang pigilin na ika'y aking isipin
Wala na yatang magagawa

Chorus:
Sana'y hindi ipagkait sa akin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta

Pinapangarap ka
Tinatanaw sa ulap ang iyong mga mata
Dinarasal kita
Hinihiling na sana ay lagi kang masaya
Pinipilit mang pigilin na ika'y aking ibigin
Wala na yatang magagawa

Chorus:
Sana'y hindi ipagkait sa akin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta

Pinipilit mang pigilin na ika'y aking ibigin
Wala na yatang magagawa

Chorus:
Sana'y hindi ipagkait sakin ang sandali
Sa masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta

-nini_ni_dale-


Posted at 07:54 pm by nini_ni_dale
Make a comment  

Wednesday, January 07, 2009
INI NA ING TAWLI....

Masakit...mapait...nanghihinayang.

Ganyang naramdaman ko nung namatay tatay ko, yung nanay ko, at nung lolo ko.

Sobrang sakit na parang feeling mo, katapusan na ng mundo. yung parang hindi na yata matatanggal ang kutsilyo na nakatarak sa puso mo.

Ganun. The same feeling is what I feel right now. Sobrang sakit na hindi ko maexplain. Siguro itong luha ko nalang magpapaliwanag...na kahit anong gawin ko , di matigil sa pagtulo.

 

Mamamatay ako ngayong araw na ito. Pero bukas, isang bagong tao nako. Iibahin ko ang mga perspectives ko sa buhay. Tama na. Ayaw ko na and I mean it. Sabi ng lola ko kanina, kaunti nalang ang natitirang taon nya sa mundo...hahayaan ko daw ba na nakikita akong nasasaktan ng ganito sa mga natitirang araw o taon na yun.

 

Nakapag-isip ako at nakapagdesisyon na ititigil na ang kabaliwang ito.

"Tama na Vina.  Oo at mahal mo sya pero wala nang dahilan pa na umasa ka.dahil alam mo a sa huli, masasaktan ka lang. You already knew how it will end the very moment it started. Now, face the consequences. " - Yan nalang lagi ko sinasabi sa sarili ko..

 

MASAKIT....

SOBRANG SAKIT....

yung kahit yata maubos luha ko, di pa din natatanggal. Mahal ko sya...pero kailangan ko ng isuko lahat.


Posted at 11:32 am by nini_ni_dale
Make a comment  

Monday, January 05, 2009
A Promise To Be Better

Nung birthday ko (October 23), we went to Alabang-Cavite-Tagaytay. Yun na yung last na road trip namin....nakakamiss nga. Naalala ko pa conversation namin nung nasa Tagaytay kami. Tinitigan ko sya. Iniisip ko kung ano na kaya mangyayari sa mga susunod na araw. Paalis ako at ganito pa din kami. Ayaw kong alisin ang pagkakatingin ko sa kanya dahil alam ko na kung ano ang mangyayari. Maghihiwalay kami dahil ito ang dapat. Kasi kailangan namin ilagay at iayos sa tama ang lahat. Nung nakita nya na nakatitig ako sa kanya....

Kaka: Oh, bakit?

Nini: Wala lang, gusto ko lang titigan ka para mamemorize ko mukha mo kahit san man ako makarating.

Kaka: Hmm,..para naman di ka na babalik eh.. Kala ko ba uuwi ka every month?

Nini: Babalik ako, sigurado yon, hindi ko lang sigurado kung kailan Dale.

Kaka: Hmm,,.. (siryoso ang tingin habang nagdadrive)

Nini: Dale, wag ka mag-aalala pa sakin ha. Pagdating ko ng Singapore, I'll be better.

Kaka: Promise?

Nini: Promise po.

At para naman akong bata na nagpromise sa kanya. Para naman syang isang magulang na nakarinig ng magandang balita mula sa anak at kiniss pako.

That time, alam ko na pakakawalan ko sya nang maluwag sa loob ko. Hindi ko alam pero nung oras na yun, napaiyak ako at sadyang tinaggap ko nalang ang lahat.

Siguro talagang hindi na pwede at hindi na kailangan pang ipilit. Naramdaman ako ang lubos na pagmamahal sa kanya pero kailangan ko ding tanggapin na lahat ng bagay ay nagtatapos. Kailangan ko nalang talaga siyang pakawalan.

Dale, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Sana sa kahit kaunting panahon ay naramdaman mo na mahal na mahal na mahal kita. Hindi kita makakalimutan at patuloy kang mamahalin nitong puso ko. Marahil ay pwede naman kitang mahalin nang ako lang ang nakakaalam ...kahit alam ko na alam ng buong mundo na ikaw lang ang tinitibok ng puso ko.

I'll be better kahit san ako makarating. Gagawin ko yun tulad ng ipinangako ko sayo. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mo para sakin. Salamat sa pagmamahal.

 

_Nini_


Posted at 04:54 pm by nini_ni_dale
Make a comment  

Saturday, January 03, 2009
Wala pa rin...

Until now, wala pa din text from him. It's been how many days? hmm, since Dec 26 na nag-usap kami, hidi na sya nagparamdam - kasi kasama nya sya. Hindi sya makapagtext or makatawag kasi kasama nya. Ang saklap naman isipin. Naghihintay ako araw-araw/ Bawat oras. Sa bawat pagtunog ng cellphone ko, umaasa ako na sana siya yun. Kahit blank message lang..siguro makukumpleto araw ko. Pero ang mas masakit....yung khit ni isang minuto yata hindi ako sumagi sa isipan nya. Sa ilang araw na nagdaan...napapaisip ako. Marahil hindi na nga dapat. Siguro kailangan ko na talagang bumitiw sa pagmamahal na ito na sa tingin ko....wala din naman patutunguhan.

 

WALA pa rin...at sa tingin ko...tuluyan nang mawawala ang lahat. =(


Posted at 01:38 am by nini_ni_dale
Make a comment  

Saturday, December 27, 2008
I'm Sorry

I'm sorry.....I did not mean to hurt anyone...hindi ko naman mapipili kung sino mamahalin nitong puso ko. Basta ko nalang naramdaman yun at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mahalin sya ng tuluyan"

Kung pwede ko lang siyang kausapin, hihingi ako ng patawad. Patawad kasi alam ko na nasasaktan ko siya kahit hindi niya nalalaman. I don't even know if she knows  that I exist. It was never my intention na makasakit...na hindi ko sinasadya na masaktan ko siya. Ang lahat ng ito ay hindi ko naman ginusto pero nangyari nalang bigla. Sabi ko nga, for once, I allowed myself na maging masaya. Wala akong lakas na pigilan ang nararamdaman ko. Hihingin ko din ang pang-unawa niya na nagmahal lang ako. Patawad na minahal ko ang taong minamahal niya. Alam ko mula simula, mali na ang mahalin ko sya pero walang mkakapagsabi sakin ni isang tao na mali ang magmahal. 

Totoo nga yung sabi dun sa isang message na nabasa ko.

"Always put yourself in others' shoes.   If you feel that it hurts you, it probably hurts the person too..."

Kung nasasaktan ako ngayon, alam ko na mas masasaktan sya kapag nlaman nya ang lahat. Siguro nga kailangan ko nang bumitiw. Pero paano? Gayong ang sinasabi ng puso at isipan ko..."Wag kang bibitiw sa pagmamahal mo sa kanya dahil alam mo na sa kanya ka lang tunay na liligaya."

Hmmm...........,

Patawad sayo at sana maunawaan mo na nagmahal lang ako. Hindi ko ninais kailanman na manggulo. Patawad. HIndi ko lang makayang isipin na mawawala sya sa buhay ko. Hindi pa naman kayo kasal. Kaya aasa pa ako...umaasa pa din itong puso ko....kahit tumatanggi na minsan ang isip ko...nananaig pa din yung sigaw ng puso. Hayaan mo. Kapag ikinasal na kayo...(ang malas ko naman)...mawawala ako na parang bula. By then siguro marerealize ko na din na talagang hindi na pwede na maging kami. Hahayaan ko na kayo at hindi na muling magpapakita pa.

Unawain mo sana na isa lang akong tao na nagmahal ng totoo. I'm afraid..... I am afraid of losing him..."


Posted at 03:50 am by nini_ni_dale
Make a comment  

Next Page



nini_ni_dale
Female
LOVING YOU SILENTLY...
   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

I LIVE...I LAUGH...I LOVE....!

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed